Hot Posts

6/recent/ticker-posts

RS, ‘di kalaban ang turing sa bagong comedy bar ni Vice

RS, ‘di kalaban ang turing sa bagong comedy bar ni Vice

July 7, 2024 | 12:00am
RS, �di kalaban ang turing sa bagong comedy bar ni Vice
RS at Drag Queens.
STAR/ File

Hindi kalaban sa negosyo ang turing ni RS Francisco kay Vice Ganda.

Si RS ang isa sa mga owner ng sikat na Rampa Drag Club sa Quezon City.

Meron na rin kasi ngayong sariling comedy bar si Vice Ganda at akala ng marami competitor sila.

“Alam mo kahit gawin pa niyang drag club din, Vice will never be a competitor because she is our ally. Kumbaga kakampi namin ‘yan. Siya nga nag-cut ng ribbon eh (sa Rampa). Ilang beses siyang nagpupunta rito eh kaya nga bukas full force (last Friday) kami lahat, magpupuntahan doon to show support,” bungad ni RS nang makausap namin siya sa trade launch ng Rampa last Thursday afternoon kung saan talagang mamamangha ka sa huhusay na mga drag queen na nag-perform sa mga invited guest.

Wow, grabeng maka-split at tumbling, parang mga walang buto.

“Bakit namin siya sinasabing kakampi, eh ang lakas ng hatak niya eh. ‘Pag nahatak niya ‘yung mga tao from Makati, South, from BGC papunta rito, saan sila pupunta, dalawa lang naman, Vice at Rampa and Rampa can only accommodate 300. Vice club can only accommodate 400-500. E sa sobrang lakas ni Vice, sobrang lakas-hatak niya sobrang daming tao umabot din sa QC,” katwiran ni RS na isa ring mahusay na actor at negosyante.

Kaya naman kahit ang mga regular performer nila sa Rampa, handa niyang ipahiram sa comedy bar ni Vice.

“We never prohibited any of our queens to perform anywhere, kahit saan. They can perform in bars.”

Kasi sa iba bawal eh?

“Hindi. Sa amin hindi. Eh, nagpupunta nga sila sa ibang bar. Nagpupunta sila sa Nectar. Nagpa-perform sila sa Rapture. Basta sa mga gano’n, nagpa-perform sila. Sa amin wala ‘yun, kasi kung ano ‘yung nahone namin sa kanila na talent, ipakita n’yo sa labas iyan. Ayaw namin kayo i-hawla dito sa Rampa,” dagdag pa niya.

Ang businessman, commercial director, actor, ay mas gusto ngayong mag-concentrate sa mga binubuksan niyang bar.

Post a Comment

0 Comments