Hot Posts

6/recent/ticker-posts

Barbie Imperial pumalag sa fake news, hindi buntis kay Richard




HINDI pinalagpas ng aktres na si Barbie Imperial ang lumalabas na chika na siya raw ay buntis at ang ama umano ng kanyang dinadala ay si Richard Gutierrez.

Kalat na kasi ngayon ang Facebook post mula sa page na “Showbizfinds” kung saan ibinabalita nito na nagsasabing umamin raw ang aktres sa “Asia’s King of Talk” na si Boy Abunda na siya ay buntis at si Richard ang ama.



Makikitang maraming mga netizens ang naniniwala kahit na wala namang sapat na ebidensyang magpapatumay na totoo ang post dahil bina-bash na agad ng mga ito si Barbie.

Kaya naman agad na dinipensahan ng aktres ang sarili at pinabulaanang hindi totoo ang nasabing post.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial nag-share ng bible verse, may konek nga ba kay Richard?


“This page is posting lies and things that I never said. Please report. Report Showbizfinds Mga oragon patabang pls ” pakiusap ni Barbie.

“Lahat ng nag-report magkaka-jowa,” pahabol pa niya sa comment section.

Marami rin naman ang agad na nag-report sa naturang page at napag-alaman na hindi lang fake news patungkol kay Barbie ang kinakalat ng naturang page dahil may mga maling balita rin tungkol kila Kathryn Bernardo.

Matatandaang matapos mapabalita na hiwalay na sina Richard sa asawa nitong si Sarah Lahbati ay na-link ito kay Barbie matapos silang maispatang magkasama sa isang bar sa Alabang.

Kamakailan lang rin nang mamataang magkasama ang dalawang namamasyal sa South Korea nitong Mayo 2024.

READ NEXT

Karla sa isang netizen: ‘Sige, Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’
 
MOST READ
Thea Gagate, Leila Cruz go 1-2 in PVL Rookie Draft
The mother of all pork scams
BDO, Security Bank raising P5 billion each through bond sale
Makati’s new columbarium gives discounts to locals, seniors and PWDs
How Bb. Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra plans to spend P1M prize
LATEST STORIES
Tod's reopens its flagship store in Makati, Greenbelt 4
PVL: Maicah Larroza says Farm Fresh pick was unexpected
Free children’s book about a lost baby turtle teaches kids about environmental stewardship
Grab PH and Gigil win at Cannes Lions International, showcase Filipino excellence globally
DOH gets sub-allotment release order for health workers' COVID allowance 

BACK TO TOP
   
NEXT STORY

Post a Comment

0 Comments